1 Mga Hari 3

Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Humingi ka ng kahit anong gusto mong ibigay ko saʼyo.”

1 Kings 3:5 (UKJV) In Gibeon the LORD appeared to Solomon in a dream by night: and God said, Ask what I shall give you.

3Ipinakita ni Solomon ang pagmamahal niya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad ng mga tuntunin na iniwan ng ama niyang si David. Maliban doon, naghandog siya at nagsunog ng insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar.

4Isang araw, pumunta si Haring Solomon sa Gibeon upang maghandog dahil naroon ang pinakatanyag na sambahan sa mataas na lugar. Nag-alay siya sa altar ng isang libong handog na sinusunog.

5Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Humingi ka ng kahit anong gusto mong ibigay ko saʼyo.”

6Sumagot si Solomon, “Ipinakita nʼyo po ang inyong dakilang kabutihan sa aking amang si David, na inyong lingkod, dahil matapat siya sa inyo, at matuwid ang kanyang pamumuhay. Patuloy nʼyo pong ipinakita sa kanya ang inyong dakilang kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang anak na siya pong pumalit sa kanya bilang hari ngayon.

7“Panginoon na aking Diyos, ako na inyong lingkod ang ipinalit ninyo sa ama kong si David bilang hari, kahit akoʼy musmos lang at walang kaalam-alam sa pamamahala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.