1 Mga Hari 3

Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan upang pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami?”

1 Kings 3:9 (UKJV) Give therefore your servant an understanding heart to judge your people, that I may discern between good and bad: for who is able to judge this your so great a people?

7“Panginoon na aking Diyos, ako na inyong lingkod ang ipinalit ninyo sa ama kong si David bilang hari, kahit akoʼy musmos lang at walang kaalam-alam sa pamamahala.

8At ngayon narito po ako kasama ang pinili ninyong mga mamamayan, na hindi mabilang sa sobrang dami.

9Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan upang pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami?”

10Natuwa ang Panginoon sa hiningi ni Solomon.

11Kaya sinabi ng Diyos sa kanya, “Dahil humingi ka ng kaalaman na mapamahalaan ang aking mga mamamayan at hindi ka humingi ng mahabang buhay o kayamanan o kamatayan ng iyong mga kaaway,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.