8Ito ang kanilang mga pangalan: Si Ben-hur, na namamahala sa kabundukan ng Efraim.
9Si Ben-deker na namamahala sa Makaz, Saalbim, Bet-semes at sa Elon-bet-hanan.
10Si Ben-hesed na namamahala sa Arubot, kasama na rito ang Soco at ang buong lupain ng Hefer.
11Si Ben-abinadab na namamahala sa Nafot-dor. (Asawa siya ni Tafat na anak ni Solomon.)
12Si Baana na anak ni Ahilud, na namamahala sa Taanac, Megido, sa buong Bet-sean malapit sa Zaretan sa ibaba ng Jezreel at sa mga lugar na mula sa Bet-sean hanggang Abel-mehola at patawid sa Jocmeam.