1 Mga Hari 7

Ipinasundo ni Haring Solomon si Huram sa Tiro

1 Kings 7:13 (UKJV) And king Solomon sent and fetched Hiram out of Tyre.

11Sa ibabaw nito ay mga kahoy na sedro at mamahaling mga bato na tinabas ayon sa tamang sukat.

12Ang maluwang na bakuran ng palasyo ay napapaligiran ng pader, na ang bawat tatlong patong ng mga tinabas na bato ay pinatungan ng kahoy na sedro. Katulad din nito ang pagkakagawa ng mga pader ng bakuran sa loob ng Templo ng Panginoon at ng balkonahe.

13Ipinasundo ni Haring Solomon si Huram sa Tiro

14dahil mahusay siyang panday ng mga tanso. Anak siya ng isang biyuda mula sa lahi ni Neftali at ang kanyang ama ay taga-Tiro, na isa ring panday ng mga tanso. Pumunta siya kay Haring Solomon at ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa kanya.

15Gumawa si Huram ng dalawang haliging tanso na ang bawat isa ay may taas na 27 talampakan at may pabilog na sukat na 18 talampakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.