1 Mga Hari 7

Inilagay niya ang limang kariton sa bandang timog ng Templo at ang lima namaʼy sa bandang hilaga. Inilagay niya ang lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat sa pagitan ng gawing silangan at gawing timog ng Templo.

1 Kings 7:39 (UKJV) And he put five bases on the right side of the house, and five on the left side of the house: and he set the sea on the right side of the house eastward opposite to the south.

37Ganito ang pagkakagawa ni Huram ng sampung kariton. Magkakatulad lahat ang kanilang laki at hugis, sapagkat iisa lang ang pinaghulmahan nilang lahat.

38Nagpagawa rin si Huram ng sampung tansong planggana, isa para sa bawat kariton. Ang luwang ng bawat planggana ay anim na talampakan at maaaring lagyan ng 220 galong tubig.

39Inilagay niya ang limang kariton sa bandang timog ng Templo at ang lima namaʼy sa bandang hilaga. Inilagay niya ang lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat sa pagitan ng gawing silangan at gawing timog ng Templo.

40Nagpagawa rin siya ng mga palayok, mga pala at mga mangkok na ginagamit na pangwisik. Natapos ni Huram ang lahat ng ipinagawa sa kanya ni Haring Solomon para sa Templo ng Panginoon. Ito ang kanyang mga ginawa:

41ang dalawang haligi; ang dalawang parang mangkok na ulo ng mga haligi; ang dalawang magkarugtong na mga kadenang palamuti sa ulo ng mga haligi;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.