1 Mga Hari 8

Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya ngayon.

1 Kings 8:28 (UKJV) Yet have you respect unto the prayer of your servant, and to his supplication, O LORD my God, to hearken unto the cry and to the prayer, which your servant prays before you to day:

26Kaya ngayon, O Diyos ng Israel, tuparin nʼyo ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.

27“Pero makakapanahan po ba talaga kayo, O Diyos, dito sa mundo? Ni hindi nga po kayo magkasya kahit sa pinakamataas na langit, dito pa kaya sa Templo na ipinatayo ko?

28Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya ngayon.

29Ingatan nʼyo po sana ang Templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong dito pararangalan ang pangalan nʼyo. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin na nakaharap sa lugar na ito.

30Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami diyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.