1 Mga Hari 8

Pagkatapos, dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lugar nito roon sa pinakaloob ng Templo, sa Pinakabanal na Lugar, sa ilalim ng pakpak ng mga kerubin.

1 Kings 8:6 (UKJV) And the priests brought in the ark of the covenant of the LORD unto his place, into the oracle of the house, to the most holy place, even under the wings of the cherubims.

5Naghandog si Haring Solomon at ang buong mamamayan ng Israel sa harapan ng Kahon. Napakaraming tupa at baka ang kanilang inihandog, hindi ito mabilang dahil sa dami.

6Pagkatapos, dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lugar nito roon sa pinakaloob ng Templo, sa Pinakabanal na Lugar, sa ilalim ng pakpak ng mga kerubin.

7Nakalukob ang pakpak ng mga kerubin, kaya natatakpan nito ang Kahon at ang mga hawakang pasanan nito.

8Itong mga hawakang pasanan ay mahaba, ang dulo nito ay kita sa Banal na Lugar, sa harapan ng pinakaloob ng Templo, ngunit hindi ito makita sa labas ng Banal na Lugar. At naroon pa ito hanggang ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.