1 Pedro 1

Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Diyos, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.

1 Peter 1:21 (UKJV) Who by him do believe in God, that raised him up from the dead, and gave him glory; that your faith and hope might be in God.

19kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos.

20Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Diyos si Kristo upang maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Diyos nitong mga huling araw alang-alang sa inyo.

21Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Diyos, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.

22At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso,

23dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.