23Ininsulto siya ngunit hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya ngunit hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Diyos na humahatol nang makatarungan.
24Siya mismo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, upang iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.
25Para tayong mga tupang naligaw noon, ngunit nakabalik na tayo ngayon sa Panginoon na Pastol at Tagapagbantay ng ating buhay.