10Sapagkat sinasabi ng Kasulatan: “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at iwasang magsabi ng kasinungalingan.
11Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti. Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.
12Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang kanilang mga panalangin, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”
13Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti?
14Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya “huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan.”