1 Pedro 4

Ito ang dahilan kung bakit ipinangaral ang Magandang Balita sa mga taong patay na. Nang sa ganoon, kahit patay na sila sa laman, at mahatulan tulad ng lahat ng tao, mabubuhay pa rin sila sa espiritu gaya ng Diyos.

1 Peter 4:6 (UKJV) For for this cause was the gospel preached also to them that are dead, that they might be judged according to men in the flesh, but live according to God in the spirit.

4Kaya nga pinagtatakahan kayo ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos kung bakit hindi na kayo nakikisama sa magulo at maluho nilang pamumuhay. At pinagsasalitaan nila kayo ng masama.

5Ngunit mananagot sila sa Diyos sa ginagawa nila, dahil hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, buháy man o patay.

6Ito ang dahilan kung bakit ipinangaral ang Magandang Balita sa mga taong patay na. Nang sa ganoon, kahit patay na sila sa laman, at mahatulan tulad ng lahat ng tao, mabubuhay pa rin sila sa espiritu gaya ng Diyos.

7Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang inyong sarili upang hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo.

8Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.