1 Samuel 13

Sinalakay ni Jonatan ang kampo ng mga Filisteo sa Gibea at nabalitaan ito ng iba pang Filisteo. Kaya iniutos ni Saul na patunugin ang trumpeta sa buong Israel bilang paghahanda ng mga Hebreo sa digmaan.

1 Samuel 13:3 (UKJV) And Jonathan stroke the garrison of the Philistines that was in Geba, and the Philistines heard of it. And Saul blew the trumpet throughout all the land, saying, Let the Hebrews hear.

1Si Saul ay tatlumpung taóng gulang nang maging hari ng Israel, at naghari siya rito sa loob ng apatnapuʼt dalawang taon.

2Pumili si Saul ng 3,000 lalaki sa Israel para makipaglaban sa mga Filisteo. Ang mga hindi napili ay pinauwi niya. Isinama niya ang 2,000 sa Micmas at sa kaburulan ng Betel at ang isang libo naman ay pinasama niya sa anak niyang si Jonatan sa Gibea na sakop ng mga taga-Benjamin.

3Sinalakay ni Jonatan ang kampo ng mga Filisteo sa Gibea at nabalitaan ito ng iba pang Filisteo. Kaya iniutos ni Saul na patunugin ang trumpeta sa buong Israel bilang paghahanda ng mga Hebreo sa digmaan.

4Nabalitaan ng mga Israelita na galit na galit ang mga Filisteo sa kanila dahil sinalakay ni Saul ang kampo nila. Kaya tinipon ang mga Israelita upang samahan si Saul sa Gilgal.

5Nagtipon ang mga Filisteo para makipagdigma sa mga Israelita. Mayroon silang 3,000 karwahe, 6,000 mangangabayo at mga sundalo na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Nagtipon sila at nagkampo sa Micmas, sa silangan ng Bet-aven.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.