5Ang isaʼy nasa gawing hilaga at nakaharap sa Micmas, at ang isaʼy nasa gawing timog at nakaharap sa Gibea.
6Sinabi ni Jonatan sa tagapagdala ng kanyang armas, “Puntahan natin ang kampo ng mga taong ʼyon na hindi tuli. Baka sakaling tulungan tayo ng Panginoon, dahil walang makakapigil kung loloobin niyang magtagumpay tayo, kahit marami o kakaunti tayo.”
7Sinabi ng tagapagdala niya ng armas, “Gawin nʼyo po ang anumang iniisip ninyo. Kasama nʼyo ako kahit ano ang mangyari.”
8Sinabi ni Jonatan, “Tayo na, pupuntahan natin sila at magpapakita tayo sa kanila.
9Kung sasabihin nilang sila ang lalapit sa atin para makipaglaban, hindi na tayo aakyat pa sa kanila, hihintayin na lang natin sila.