1 Samuel 15

Ngunit sinabi ni Samuel, “Kung paanong maraming ina ang nawalan ng anak dahil sa pagpatay mo, ngayon, mawawalan din ng anak ang iyong ina.” At pinagtataga ni Samuel si Agag sa presensya ng Panginoon sa Gilgal.

1 Samuel 15:33 (UKJV) And Samuel said, As the sword has made women childless, so shall your mother be childless among women. And Samuel hewed Agag in pieces before the LORD in Gilgal.

31Kaya sumáma si Samuel kay Saul at sumamba si Saul sa Panginoon.

32Sinabi ni Samuel, “Dalhin mo sa akin si Agag na hari ng mga Amalekita.” Tiwalang-tiwalang lumapit si Agag kay Samuel. Iniisip niyang hindi na siya papatayin.

33Ngunit sinabi ni Samuel, “Kung paanong maraming ina ang nawalan ng anak dahil sa pagpatay mo, ngayon, mawawalan din ng anak ang iyong ina.” At pinagtataga ni Samuel si Agag sa presensya ng Panginoon sa Gilgal.

34Pagkatapos, bumalik si Samuel sa Rama, at si Saul ay umuwi sa Gibea.

35Mula noon, hindi na nagpakita si Samuel kay Saul hanggang sa mamatay si Samuel. Ngunit nagdalamhati siya para kay Saul. Nalungkot ang Panginoon na ginawa niyang hari ng Israel si Saul.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.