22Ngayon, matandang-matanda na si Eli. Nabalitaan niya ang lahat ng kasamaang ginagawa ng kanyang mga anak sa mga Israelita. Nalaman na rin niya ang pagsiping ng mga ito sa mga babaeng naglilingkod sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
23Kaya sinabihan niya ang mga ito, “Nabalitaan ko sa mga tao ang lahat ng kasamaang ginagawa ninyo. Bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito?
24Mga anak, tigilan na ninyo ito, dahil hindi maganda ang nababalitaan ko tungkol sa inyo mula sa mga mamamayan ng Panginoon.”
25Sinabi pa ni Eli, “Kung magkasala ang isang tao sa kanyang kapwa, maaaring mamamagitan ang Diyos sa kanila; pero kung magkasala ang tao sa Panginoon, sino ang mamamagitan?” Ngunit hindi nakinig ang mga anak niya dahil nakapagpasya na ang Panginoon na patayin sila.
26Samantala, patuloy na lumaki si Samuel, at kinalulugdan siya ng Panginoon at ng mga tao.