1 Samuel 2

Lumapit ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ipinahayag ko ang aking sarili sa ninuno nʼyong si Aaron at sa pamilya niya noong alipin pa sila ng Faraon sa Ehipto.

1 Samuel 2:27 (UKJV) And there came a man of God unto Eli, and said unto him, Thus says the LORD, Did I plainly appear unto the house of your father, when they were in Egypt in Pharaoh's house?

25Sinabi pa ni Eli, “Kung magkasala ang isang tao sa kanyang kapwa, maaaring mamamagitan ang Diyos sa kanila; pero kung magkasala ang tao sa Panginoon, sino ang mamamagitan?” Ngunit hindi nakinig ang mga anak niya dahil nakapagpasya na ang Panginoon na patayin sila.

26Samantala, patuloy na lumaki si Samuel, at kinalulugdan siya ng Panginoon at ng mga tao.

27Lumapit ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ipinahayag ko ang aking sarili sa ninuno nʼyong si Aaron at sa pamilya niya noong alipin pa sila ng Faraon sa Ehipto.

28Sa lahat ng lahi ng Israel, ang pamilya niya ang pinili ko na maging aking pari na maglilingkod sa aking altar, sa pagsusunog ng insenso, sa pagsusuot ng espesyal na damit ng pari sa aking presensya. Binigyan ko rin sila ng bahagi sa mga handog sa pamamagitan ng apoy na iniaalay ng mga Israelita.

29Bakit ninyo nilalapastangan ang mga handog na para sa akin? Bakit mas iginagalang mo pa, Eli, ang mga anak mo kaysa sa akin? Hinahayaan mong patabain nila ang kanilang mga sarili ng mga pinakamagandang bahagi ng handog ng mga mamamayan kong Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.