1 Samuel 20

Ngunit sa halip na sumagot, sinibat ni Saul si Jonatan para patayin. Kaya nalaman niya na desidido nga ang kanyang ama na patayin si David.

1 Samuel 20:33 (UKJV) And Saul cast a javelin at him to strike him: whereby Jonathan knew that it was determined of his father to slay David.

31Habang nabubuhay si David na anak ni Jesse, hindi ka magiging hari. Kaya kunin mo siya ngayon at dalhin sa akin. Dapat siyang mamatay.”

32Nagtanong si Jonatan, “Bakit po ba kailangan siyang patayin? Ano po ba ang nagawa niya?”

33Ngunit sa halip na sumagot, sinibat ni Saul si Jonatan para patayin. Kaya nalaman niya na desidido nga ang kanyang ama na patayin si David.

34Dahil sa sobrang galit, umalis sa hapag-kainan si Jonatan, at hindi na siya kumain nang araw na iyon dahil masamang-masama ang loob niya sa kahiya-hiyang inasal ng kanyang ama kay David.

35Kinaumagahan, pumunta si Jonatan sa bukid para makipagkita kay David gaya ng napagkasunduan. May kasama siyang batang lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.