1 Samuel 25

Isa sa mga alipin ni Nabal ang nagsabi kay Abigail na kanyang asawa, “Nagsugo si David ng mga mensahero dito galing sa disyerto upang kumustahin ang amo naming si Nabal, pero ininsulto pa niya sila.

1 Samuel 25:14 (UKJV) But one of the young men told Abigail, Nabal's wife, saying, Behold, David sent messengers out of the wilderness to salute our master; and he railed on them.

12Bumalik ang mga tauhan ni David at isinalaysay ang lahat ng sinabi ni Nabal.

13Nang marinig niya ang lahat ng ito, sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Isukbit ninyo ang inyong mga espada!” Kaya isinukbit ng mga tauhan niya ang kanilang mga espada, at ganoon din ang ginawa ni David. Mga 400 tao ang sumáma kay David at 200 ang naiwan para bantayan ang mga kagamitan.

14Isa sa mga alipin ni Nabal ang nagsabi kay Abigail na kanyang asawa, “Nagsugo si David ng mga mensahero dito galing sa disyerto upang kumustahin ang amo naming si Nabal, pero ininsulto pa niya sila.

15Mabuti ang mga taong iyon sa amin, hindi nila kami ginawan ng anumang masama. Sa buong panahon na naroon kami sa parang malapit sa kanila, walang anumang nawala sa amin.

16Binantayan nila kami araw at gabi habang nagbabantay kami ng mga tupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.