1Noong mga panahong naglilingkod si Samuel sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ni Eli, madalang nang makipag-usap ang Panginoon, at kakaunti na rin ang mga pangitain.
2Isang gabi, natutulog si Eli sa kanyang kuwarto. Hindi na siya gaanong nakakakita.
3Si Samuel naman ay doon natutulog sa bahay ng Panginoon kung saan naroon ang Kahon ng Diyos. At habang nakasindi pa ang ilawan ng Diyos,