1 Samuel 31

Nang mabalitaan ng mga taga-Jabes-gilead ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul,

1 Samuel 31:11 (UKJV) And when the inhabitants of Jabeshgilead heard of that which the Philistines had done to Saul;

9Pinugutan nila ng ulo si Saul, at kinuha ang kanyang armas. Pagkatapos nito, nagsugo sila ng mga mensahero sa buong lupain ng Filisteo para ibalita sa templo ng kanilang diyos-diyosan at mga kababayan ang kamatayan ni Saul.

10Inilagay nila ang armas ni Saul sa templo ng mga imahen ni Astoret, at isinabit ang bangkay nito sa pader ng lungsod ng Bet-sean.

11Nang mabalitaan ng mga taga-Jabes-gilead ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul,

12lumakad ang lahat ng matatapang nilang mandirigma nang buong gabi hanggang sa makarating sila sa Bet Shan. Kinuha nila ang bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak mula sa pader ng Bet-sean at dinala sa Jabes at sinunog ang mga ito roon.

13Pagkatapos, kinuha nila ang mga buto, inilibing sa ilalim ng punong tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sila sa loob ng pitong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.