19Nang panahon ding iyon, kabuwanan ng manugang ni Eli na asawa ni Finehas. Nang mabalitaan niya na naagaw ang Kahon ng Diyos at namatay ang kanyang asawa at biyenang lalaki, sumakit ang tiyan niya at napaanak nang wala sa panahon dahil sa matinding sakit.
20Nang nag-aagaw-buhay na siya, sinabi sa kanya ng mga manghihilot, “Lakasan mo ang loob mo. Lalaki ang anak mo.” Ngunit hindi na siya sumagot.
21Bago siya namatay, Icabod ang ipinangalan niya sa bata, dahil sinabi niya, “Wala na ang kaluwalhatian ng Diyos sa Israel.” Sinabi niya ito dahil naagaw ang Kahon ng Diyos at namatay ang asawa niya at biyenan niyang lalaki.