17Mga kapatid, para kaming naulila noong mawalay kami sa inyo nang maikling panahon (sa katawan, hindi sa isipan). Dahil labis ang pangungulila namin na makita kayong muli, ginawa namin ang lahat ng posibleng paraan upang makabalik diyan.
18Gusto naming bumalik diyan sa inyo. Ako, si Pablo, ay ilang beses nang sumubok na dalawin kayo ngunit hinadlangan kami ni Satanas.
19Hindi baʼt kayo ang aming pag-asa at kagalakan? Hindi baʼt kayo ang gantimpala ng tagumpay na maipagmamalaki namin sa harap ng Panginoong Hesu-Kristo sa kanyang pagbabalik?
20Oo, kayo nga ang aming karangalan at kagalakan!