3Nais ng Diyos na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad.
4Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan,
5at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos.
6Huwag ninyong abusuhin o kayaʼy pagsamantalahan ang inyong kapatid sa bagay na ito dahil paparusahan ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga ito, tulad ng mahigpit naming babala sa inyo noon pa.
7Tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.