1 Mga Taga-Tesalonica 5

Ngunit hindi na kayo namumuhay sa kadiliman, mga kapatid, kayaʼt hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon na darating na tulad ng magnanakaw.

1 Thessalonians 5:4 (UKJV) But all of you, brethren, are not in darkness, that that day should overtake you as a thief.

2sapagkat alam na ninyong ang pagbabalik ng araw ng Panginoon ay katulad ng isang magnanakaw na dumarating sa gabi.

3Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan sa kanila tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas.

4Ngunit hindi na kayo namumuhay sa kadiliman, mga kapatid, kayaʼt hindi kayo mabibigla sa araw ng pagbabalik ng Panginoon na darating na tulad ng magnanakaw.

5Kayong lahat ay nasa panig ng liwanag, nasa panig ng araw. Hindi kayo pag-aari ng gabi o ng kadiliman.

6Kaya nga, huwag tayong maging katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.