1 Timoteo 1

Timoteo, anak ko, itinatagubilin ko sa iyo ang mga ito ayon sa pahayag na sinabi tungkol saʼyo, upang sa pag-alaala mo sa mga itoʼy magawa mong makipaglaban nang mabuti.

1 Timothy 1:18 (UKJV) This charge I commit unto you, son Timothy, according to the prophecies which went before on you, that you by them might war a good warfare;

16Ngunit kinaawaan ako ng Diyos upang maipakita ni Kristo Hesus sa pamamagitan ko ang kanyang lubos na pagtitiyaga sa mga makasalanan. Magsisilbing halimbawa ang ginawa ni Kristo sa akin para sa ibang sasampalataya sa kanya na pagkakalooban niya ng buhay na walang hanggan.

17Sa nag-iisang Diyos, ang Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita; sa kanya ang papuri at kaluwalhatian, magpakailanman. Amen.

18Timoteo, anak ko, itinatagubilin ko sa iyo ang mga ito ayon sa pahayag na sinabi tungkol saʼyo, upang sa pag-alaala mo sa mga itoʼy magawa mong makipaglaban nang mabuti.

19Panghawakan mo ang iyong pananampalataya at panatilihin mong malinis ang iyong konsensiya. Sapagkat may mga taong hindi nakinig sa konsensiya nila, at dahil ditoʼy nasira ang kanilang pananampalataya.

20Kabilang na rito sina Himeneo at Alejandro na ipinaubaya ko na kay Satanas upang maturuan silang huwag lumapastangan sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.