1 Timoteo 2

Nais kong sa lahat ng pagtitipon-tipon, ang mga lalaki ay manalangin nang may malinis na kalooban, na sa pagtaas nila ng kamay ay walang sama ng loob o galit sa kapwa.

1 Timothy 2:8 (UKJV) I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting.

6naghandog ng kanyang buhay bilang pantubos sa lahat ng tao. Sa pamamagitan nitoʼy naihayag ang kalooban ng Diyos sa takdang panahong pinili niya.

7At ito ang dahilan ng pagkahirang ko bilang apostol at tagapangaral sa mga Hentil tungkol sa pananampalataya at katotohanan. Totoo ang sinasabi ko, at hindi ako nagsisinungaling.

8Nais kong sa lahat ng pagtitipon-tipon, ang mga lalaki ay manalangin nang may malinis na kalooban, na sa pagtaas nila ng kamay ay walang sama ng loob o galit sa kapwa.

9Nais ko ring ang mga babae ay maging maayos sa pananamit nila, marangal at nararapat, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit.

10Sa halip, ang dapat makita sa kanila ay mabubuting gawa, sapagkat ito ang nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.