22Huwag kang padalos-dalos sa pagpapatong ng kamay mo sa kahit sino para bigyan ng kapangyarihang mamuno sa iglesya. Ingatan mong huwag masangkot sa kasalanan ng iba. Manatili kang walang bahid ng kasalanan.
23Huwag tubig lamang ang inumin mo; uminom ka rin ng konting alak para sa sikmura mong madalas sumasakit.
24May mga taong lantad na lantad ang mga kasalanan nila bago pa man sila hatulan. Ngunit ang iba namaʼy sa bandang huli na lang nalalantad ang kasalanan.
25Ganoon din naman, may mabubuting gawa na lantad na ngayon pa lang, habang ang iba naman ay malalantad din balang araw.