1 Timoteo 5

Ituro mo sa mga kapatid ang mga tuntuning ito upang walang maipintas sa kanila.

1 Timothy 5:7 (UKJV) And these things give in charge, that they may be blameless.

5Ang biyudang talagang nangangailangan ay umaasa na lang sa Diyos. Araw-gabi siyang nananalangin at humihingi ng tulong sa Diyos.

6Ngunit ang biyudang nabubuhay sa sariling kalayawan ay patay na sa paningin ng Diyos kahit na buháy pa siya.

7Ituro mo sa mga kapatid ang mga tuntuning ito upang walang maipintas sa kanila.

8Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

9Ang isasama mo lang sa listahan ng mga biyuda na tutulungan ay ang mga hindi bababa sa 60 taóng gulang at naging tapat sa asawa niya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.