7Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito.
8Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.
9Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.
10Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.
11Ngunit ikaw, bilang lingkod ng Diyos, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa.