7Nang makita ng Panginoon na silaʼy nagpakumbaba, sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Semaias, “Dahil nagpakumbaba sila, hindi ko sila lilipulin at hindi magtatagal ay palalayain ko sila. Hindi ko na gagamitin si Shishak para ibuhos ang aking galit sa Jerusalem.
8Ngunit ipapasakop ko sila sa kanya upang matutunan nila na mas mabuti ang maglingkod sa akin kaysa sa paglingkuran ang mga makalupang hari.”
9Nang nilusob ni Haring Shishak ng Ehipto ang Jerusalem, ipinakuha niya ang mga kayamanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo. Kinuha niya ang lahat, pati ang lahat ng pananggalang na ginto na ipinagawa ni Solomon.
10Kaya nagpagawa si Haring Rehoboam ng mga pananggalang na tanso na kapalit ng mga ito, at ipinamahala niya ito sa mga opisyal ng mga tagapagbantay ng pintuan ng palasyo.
11At kapag pupunta ang hari sa Templo ng Panginoon, sasáma sa kanya ang mga tagapagbantay na nagdadala ng mga pananggalang na ito, at pagkatapos, ibabalik din nila ito sa kanilang kuwarto.