2 Mga Cronica 16

At noong ika-apatnapuʼt isang taon ng paghahari niya, namatay siya.

2 Chronicles 16:13 (UKJV) And Asa slept with his fathers, and died in the one and fortieth year of his reign.

11Ang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Asa mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at ng Israel.

12Nang ikatatlumpuʼt siyam na taon ng paghahari ni Asa, nagtiis siya ng karamdaman sa paa. Kahit malubha na ang kanyang karamdaman, hindi siya humingi ng tulong sa Panginoon kundi sa mga manggagamot.

13At noong ika-apatnapuʼt isang taon ng paghahari niya, namatay siya.

14Inilibing siya sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili sa Lungsod ni David. Inilagay siya sa kabaong na may ibaʼt ibang mga pabango. At nagpaningas ng malaking apoy ang mga tao sa pagpaparangal sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.