14Ang kanyang mga sundaloʼy inilista ayon sa kanilang mga pamilya. Mula sa lahi ni Juda na binukod-bukod sa tig-isang libo sa bawat yunit: si Adna ang kumander ng tatlondaang libong sundalo,
15Ang sumunod sa kanya ay si Jehohanan na kumander ng 280,000 sundalo.
16Sumunod ay si Amazias na anak ni Zicri, na kumander ng dalawandaang libong sundalo. Nagkusang-loob siya para sa gawain ng Panginoon.
17Mula sa lahi ni Benjamin: si Eliada, na isang matapang na tao, ang kumander ng dalawandaang libong sundalo. Ang mga sundalong itoʼy may mga pananggalang at mga pana.
18Ang sumunod sa kanya ay si Jehosabad na kumander ng 180,000 armadong sundalo.