8Kung pasasamahin nʼyo po sila sa labanan, matatalo kayo kahit makipaglaban pa kayo nang mabuti. Ang Diyos lang ang may kapangyarihang makapagpapanalo o makapagpapatalo sa inyo.”
9Sinabi ni Amazias sa lingkod ng Diyos, “Ngunit paano ang ibinayad kong 3,500 kilong pilak sa mga sundalong Israelita?” Sumagot ang lingkod ng Diyos, “Higit pa po diyan ang ibibigay ng Panginoon sa inyo.”
10Kaya pinauwi ni Amazias ang mga sundalo na taga-Efraim. Umuwi sila na galit na galit sa Juda.
11Buong tapang na lumusob si Amazias at pinangunahan niya ang kanyang mga sundalo sa pagpunta sa Lambak ng Asin, kung saan nakapatay sila ng sampung libong Edomita.
12Nakadakip pa sila ng sampung libong sundalo, at dinala nila ito sa isang bangin at doon inihulog, kaya nagkabali-bali ang buto ng mga ito.