17Binigyan ang mga paring nakalista sa talaan ng mga angkan ng kanilang bahagi, at ganoon din ang mga Levita na nasa dalawampung taóng gulang pataas, na naglilingkod ayon sa tungkulin ng kani-kanilang grupo.
18Binigyan din ang mga pamilya ng mga Levita, ang kanilang mga asawa, mga anak, pati ang maliliit nilang anak. Ginawa ito sa lahat ng Levita na nakalista sa talaan ng kanilang angkan. Sapagkat matapat din sila sa paglilinis ng kanilang sarili.
19Tungkol naman sa mga pari na angkan ni Aaron, na nakatira sa mga bukirin sa palibot ng mga bayan at sa ibang mga bayan, may mga taong pinagkatiwalaan na mamigay ng kanilang bahagi at sa bahagi ng lahat ng Levita na nakalista sa talaan ng kanilang angkan.
20Ganoon ang ginawa ni Ezequias sa buong Juda. Ginawa niya ang mabuti at ang tama, at naging tapat siya sa harapan ng Panginoon na kanyang Diyos.
21Naging matagumpay siya, dahil sa lahat ng ginawa niya sa Templo ng Diyos at sa pagsunod niya sa kautusan, dumulog siya sa kanyang Diyos nang buong puso.