2 Mga Cronica 34

Pagkatapos, ipinaalis ni Josias ang lahat ng kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong lupain ng Israel, at pinaglingkod ang mga tao sa Panginoon na kanilang Diyos. Habang buhay siya, sinunod nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

2 Chronicles 34:33 (UKJV) And Josiah took away all the abominations out of all the countries that pertained to the children of Israel, and made all that were present in Israel to serve, even to serve the LORD their God. And all his days they departed not from following the LORD, the God of their fathers.

31Pagkatapos, tumayo si Josias sa tabi ng haligi na madalas tayuan ng hari. At gumawa siya ng kasunduan sa presensya ng Panginoon na susunod siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad ng kanyang mga utos, katuruan, at tuntunin nang buong pusoʼt kaluluwa. Nangako siyang tutuparin niya ang mga ipinapatupad ng kasunduan na nakasulat sa aklat.

32At sinabi rin niya sa mga mamamayan ng Jerusalem at Benjamin na mangako sila na tutuparin nila ang kasunduan ng Diyos. Kaya sinunod nila ang kautusan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

33Pagkatapos, ipinaalis ni Josias ang lahat ng kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong lupain ng Israel, at pinaglingkod ang mga tao sa Panginoon na kanilang Diyos. Habang buhay siya, sinunod nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.