4Nakapatong ang sisidlan sa likod ng labindalawang tansong toro na magkakatalikod. Ang tatlong toro ay nakaharap sa gawing hilaga, ang tatlo ay sa kanluran, ang tatlo ay sa timog, at ang tatlo ay sa gawing silangan.
5Ang kapal ng sisidlan ay mga tatlong pulgada, at ang ilalim nito ay parang bibig ng tasang nakakurba palabas katulad ng namumukadkad na bulaklak ng liryo. At maaari itong malagyan ng 17,500 galong tubig.
6Nagpagawa rin siya ng sampung palanggana para paghugasan ng mga kagamitan sa mga handog na sinusunog, lima dito ay inilagay sa gawing timog at ang lima ay sa gawing hilaga. Ngunit ang malaking sisidlang tinatawag na Dagat ay ginagamit ng mga pari na panghugas.
7Nagpagawa rin siya ng sampung lalagyan ng ilaw na ginto ayon sa plano, at ipinalagay sa Templo, lima sa gawing hilaga at lima sa gawing timog.
8Nagpagawa siya ng sampung mesa at ipinalagay sa Templo, lima sa gawing timog at lima sa gawing hilaga. Nagpagawa rin siya ng isang daang gintong mangkok na ginagamit sa pangwisik.