2 Mga Cronica 7

Hindi makapasok ang mga pari sa Templo ng Panginoon dahil ang makapangyarihang presensya ng Panginoon ay bumalot dito.

2 Chronicles 7:2 (UKJV) And the priests could not enter into the house of the LORD, because the glory of the LORD had filled the LORD's house.

1Nang matapos ni Solomon ang kanyang panalangin, may apoy na bumaba mula sa langit at tinupok ang handog na sinusunog at ang iba pang mga handog, at nabalot ng makapangyarihang presensya ng Panginoon ang Templo.

2Hindi makapasok ang mga pari sa Templo ng Panginoon dahil ang makapangyarihang presensya ng Panginoon ay bumalot dito.

3Nang makita ng lahat ng mga Israelita ang apoy na bumaba at ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa ibabaw ng Templo, lumuhod sila at sumamba sa Panginoon na may pasasalamat. Sinabi nila, “Ang Panginoon ay mabuti; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.”

4Pagkatapos, naghandog ang hari at ang lahat ng mamamayan sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.