12Pagkatapos, naghandog si Solomon ng mga handog na sinusunog para sa Panginoon sa altar na kanyang ipinatayo sa harapan ng balkonahe ng Templo.
13Tinupad niya ang utos ni Moises na maghandog ayon sa nararapat na ihandog araw-araw at sa panahon ng Araw ng Pamamahinga, Pista ng Bagong Buwan, at ng tatlong pista na ipinagdiriwang taon-taon: ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, Pista ng Pag-aani, at Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.
14At ayon sa tuntunin ng ama niyang si David, pinagbukod-bukod niya ang mga pari at mga Levita para sa kanilang mga gawain. Ang mga Levita ang nangunguna sa mga tao sa pagpupuri sa Diyos at sila ang tumutulong sa mga pari sa kanilang gawain araw-araw. Ibinukod din niya ang mga tagapagbantay ng bawat pintuan, dahil ito ang utos ni David na lingkod ng Diyos.
15Sinunod ni Solomon ang lahat ng utos ni Haring David tungkol sa mga pari at mga Levita at sa mga bodega.
16Natapos ang lahat ng ipinagawa ni Solomon sa Templo ng Panginoon, mula sa paglalagay ng pundasyon nito hanggang sa matapos ito.