2 Mga Taga-Corinto 1

Isang bagay ang maipagmamalaki namin: Namumuhay kaming matuwid at tapat sa harap ng lahat ng tao, lalong-lalo na sa inyo. Nagawa namin ito hindi sa pamamagitan ng karunungan ng mundo kundi dahil sa biyaya ng Diyos. At pinatutunayan ng aming konsensiya na talagang totoo itong aming ipinagmamalaki.

2 Corinthians 1:12 (UKJV) For our rejoicing is this, the testimony of our conscience, that in simplicity and godly sincerity, not with fleshly wisdom, but by the grace of God, we have had our conversation in the world, and more abundantly toward you.

10Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy niya kaming ililigtas. At umaasa kami na patuloy niyang gagawin ito

11sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa kanya bilang sagot sa mga panalangin ng nakararami.

12Isang bagay ang maipagmamalaki namin: Namumuhay kaming matuwid at tapat sa harap ng lahat ng tao, lalong-lalo na sa inyo. Nagawa namin ito hindi sa pamamagitan ng karunungan ng mundo kundi dahil sa biyaya ng Diyos. At pinatutunayan ng aming konsensiya na talagang totoo itong aming ipinagmamalaki.

13Sapagkat wala kaming isinusulat sa inyo na hindi ninyo mabasa o maintindihan. Kahit na hindi pa ninyo kami kilalang mabuti, umaasa akong darating ang araw na makikilala nʼyo kami nang lubusan, at nang maipagmalaki ninyo kami sa araw ng Panginoong Hesus, at maipagmamalaki rin namin kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.