2 Mga Taga-Corinto 1

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob.

2 Corinthians 1:3 (UKJV) Blessed be God, even the Father of our Lord Jesus Christ, the Father of mercies, and the God of all comfort;

1Mula kay Pablo na apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at kay Timoteo na ating kapatid, Sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, kasama ang lahat ng mga hinirang niya sa Acaya:

2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang galing sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.

3Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob.

4Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

5Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.