2 Mga Taga-Corinto 13

Umaasa akong makikita ninyo na tunay kaming mga apostol ni Kristo.

4Kahit na nagpakababa siya nang ipako sa krus, nabubuhay siya ngayon sa kapangyarihan ng Diyos. Ganoon din naman, nagpapakababa rin kami bilang mga mananampalataya ni Kristo. Ngunit nabubuhay kami sa kapangyarihan ng Diyos upang makapaglingkod sa inyo.

5Suriin ninyo ang inyong sarili kung talagang tunay ang inyong pananampalataya. Siyasatin ninyong mabuti ang inyong sarili. Hindi ba ninyo alam na si Kristo Hesus ay nasa inyo maliban na lang kung hindi kayo tunay na mananampalataya?

6Umaasa akong makikita ninyo na tunay kaming mga apostol ni Kristo.

7Ipinapanalangin namin sa Diyos na hindi ninyo gagawin ang anumang masamang bagay. Ginagawa namin ito hindi para ipakita sa mga tao na sinusunod ninyo ang aming mga itinuturo, kundi upang patuloy kayong gumawa ng tama, kahit sabihin nilang hindi kami nagtagumpay bilang mga apostol.

8Kailanman ay hindi kami gagawa ng labag sa katotohanan, kundi ang naaayon lamang sa katotohanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.