5Hindi namin ipinangangaral ang aming mga sarili kundi si Hesu-Kristo, na siyang Panginoon. Naglilingkod kami sa inyo dahil kay Hesus.
6Sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Magkaroon ng liwanag sa kadiliman,” ang siya ring nagbigay-liwanag sa aming mga isipan para maunawaan namin ang kapangyarihan ng Diyos na nahayag kay Hesu-Kristo.
7Nasa amin ang kayamanang ito, ngunit tulad lang kami ng palayok na pinaglagyan nito upang maipakita ang hindi mapapantayang kapangyarihan ay mula sa Diyos, hindi sa amin.
8Ginigipit kami sa lahat ng paraan, ngunit hindi nalulupig. Nalilito kami, ngunit hindi nawawalan ng pag-asa.
9Inuusig kami, ngunit hindi kami pinapabayaan ng Diyos. Pinapabagsak kami, ngunit hindi tuluyang nalulugmok.