2 Mga Taga-Corinto 6

Kami ay pinararangalan at hinahamak, sinisiraan at pinupuri. Itinuturing kaming mga manlilinlang, kahit kamiʼy tapat.

2 Corinthians 6:8 (UKJV) By honour and dishonour, by evil report and good report: as deceivers, and yet true;

6Nakikita sa amin ang malinis na puso, kaalaman, pagtitiyaga at kagandahang-loob, ang patnubay ng Banal na Espiritu, ang tapat na pag-ibig,

7at tapat na pananalita, at ang kapangyarihan ng Diyos. Ang aming pagiging matuwid ang sandata namin na panlaban at panangga sa kaaway.

8Kami ay pinararangalan at hinahamak, sinisiraan at pinupuri. Itinuturing kaming mga manlilinlang, kahit kamiʼy tapat.

9Tanyag kami, bagamaʼt may mga hindi kumikilala sa amin. Palagi kaming nasa bingit ng kamatayan, ngunit buháy pa rin hanggang ngayon. Pinaparusahan kami ngunit hindi pinapatay.

10Itinuturing kaming nalulungkot, ngunit palagi kaming masaya. Mahirap lang kami, ngunit marami kaming pinapayaman. Wala kaming pag-aari sa mundong ito, ngunit ang totoo, sagana kami sa lahat ng bagay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.