10Sapagkat ang kalungkutang naaayon sa kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabagong patungo sa kaligtasan. Hindi pinagsisisihan ang kalungkutang iyon. Subalit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.
11Tingnan ninyo ang idinulot nitong kalungkutang naaayon sa kalooban ng Diyos! Nagsumikap kayong patunayan na wala kayong kasalanan. Galit kayo sa ginawang pagkakasala at natakot sa idudulot nito. Kayo ay sabik, masigasig at handang-handang itaguyod ang katarungan. Pinatunayan din ninyo sa lahat ng paraan na wala kayong kinalaman sa pagkakasalang iyon.
12Ang dahilan ng pagsulat ko ay hindi upang tuligsain ang nagkasala o ipagtanggol ang ginawan niya ng kasalanan, kundi upang maipakita ninyo sa presensya ng Diyos kung gaano kayo katapat sa amin.
13At dahil dito, pinalakas na ninyo ang aming loob. At lalo pa kaming sumigla nang makita naming masaya si Tito dahil sa kasiyahang naranasan niya sa inyong piling.
14Ipinagmalaki ko kayo sa kanya, at napatunayan niyang totoo ang lahat ng sinabi ko sa kanya tungkol sa inyo, kaya hindi ako napahiya.