10Kung may dumating sa inyo na iba ang itinuturo, huwag nʼyo siyang patuluyin sa inyong tahanan, ni batiin.
11Sapagkat ang sinumang bumabati sa kanya ay nakikibahagi sa masasama niyang gawain.
12Marami pa sana akong sasabihin sa inyo, ngunit ayaw kong sabihin sa sulat na ito. Sapagkat umaasa akong madadalaw ko kayo at makakausap upang malubos ang ating kagalakan.
13Kinukumusta ka ng mga anak ng kapatid mong babae na pinili rin ng Diyos.