1Mula sa matandang pinuno ng iglesya, Mahal kong Ginang na pinili ng Diyos, at sa iyong mga anak. Minamahal ko kayong tunay, at hindi lang ako kundi ang lahat ng nakakaalam sa totoong katuruan.
2Minamahal namin kayo dahil sa katotohanang ito na nasa atin at mananatili sa atin magpakailanman.
3Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo na kanyang Anak, habang namumuhay tayo sa katotohanan at pag-ibig.
4Labis akong nagalak nang malaman kong ang ilan sa iyong mga anak ay namumuhay sa katotohanan, ayon sa iniutos sa atin ng Diyos Ama.
5Kaya Ginang, hinihiling ko sa iyo ngayon: Magmahalan tayong lahat. Hindi bago ang utos na ito kundi dati nang ibinigay ito sa atin noong nagsisimula pa lang tayo sa pananampalataya.