2 Mga Hari 1

Nagsugo ang hari ng ikatlong opisyal kasama ang limampung tauhan niya. Pagdating ng opisyal kay Elias, lumuhod siya at nagmakaawa, “Lingkod ng Diyos, mahabag po kayo sa akin at sa mga tauhan ko. Mga lingkod nʼyo po kami. Huwag nʼyo po sanang ipahintulot na mamatay kami.

2 Kings 1:13 (UKJV) And he sent again a captain of the third fifty with his fifty. And the third captain of fifty went up, and came and fell on his knees before Elijah, and besought him, and said unto him, O man of God, I pray you, let my life, and the life of these fifty your servants, be precious in your sight.

11Muling nagsugo ang hari ng isang opisyal kasama ang limampung tauhan. Sinabi ng opisyal kay Elias, “Lingkod ng Diyos, nais po ng hari na pumunta agad kayo sa kanya.”

12Sumagot si Elias, “Kung lingkod nga ako ng Diyos, umulan sana ng apoy mula sa langit at sunugin ka pati ang limampung tauhan mo!” Dumating nga ang apoy ng Diyos mula sa langit at nasunog ang opisyal at ang limampung tauhan niya.

13Nagsugo ang hari ng ikatlong opisyal kasama ang limampung tauhan niya. Pagdating ng opisyal kay Elias, lumuhod siya at nagmakaawa, “Lingkod ng Diyos, mahabag po kayo sa akin at sa mga tauhan ko. Mga lingkod nʼyo po kami. Huwag nʼyo po sanang ipahintulot na mamatay kami.

14Nalaman ko pong sinunog ninyo ng apoy mula sa langit ang dalawang opisyal at ang mga tauhan nila. Pero ngayon, mahabag po kayo sa amin.”

15Sinabi ng anghel ng Panginoon kay Elias, “Sumama ka sa kanya, huwag kang matakot.” Kaya sumáma si Elias sa opisyal papunta sa hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.