2 Mga Hari 11

Inutusan ni Jehoiada ang mga kumander ng mga sundalo, “Dalhin ninyo si Atalia sa labas. Huwag ninyo siyang patayin sa loob ng Templo ng Panginoon. Patayin ang sinumang magliligtas sa kanya.”

2 Kings 11:15 (UKJV) But Jehoiada the priest commanded the captains of the hundreds, the officers of the host, and said unto them, Have her forth without the ranges: and him that follows her kill with the sword. For the priest had said, Let her not be slain in the house of the LORD.

13Nang marinig ni Atalia ang ingay ng mga guwardiya at ng mga tao, pinuntahan niya ang mga ito sa Templo ng Panginoon.

14Nakita niya roon ang bagong hari na nakatayo malapit sa haligi, ayon sa kaugalian ng pagdedeklara sa isang hari. Nakapalibot sa hari ang mga pinuno at mga tagapagpatunog ng trumpeta. Ang lahat ng tao ay nagsasaya at nagpapatunog ng mga trumpeta. Nang makita ito ni Atalia, pinunit niya ang kanyang damit at sumigaw, “Mga traydor! Mga traydor!”

15Inutusan ni Jehoiada ang mga kumander ng mga sundalo, “Dalhin ninyo si Atalia sa labas. Huwag ninyo siyang patayin sa loob ng Templo ng Panginoon. Patayin ang sinumang magliligtas sa kanya.”

16Kaya dinakip nila siya at dinala sa labas ng pintuan na dinadaanan ng mga kabayong papunta sa palasyo, at doon siya pinatay.

17Pagkatapos, pinagawa ni Jehoiada ang hari at ang mga tao ng kasunduan sa Panginoon, na magiging mamamayan sila ng Panginoon. Gayon din ang ginawang kasunduan sa pagitan ng hari at ng mga tao na kanyang nasasakupan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.