5Binigyan sila ng Panginoon ng tao na magliligtas sa kanila mula sa mga taga-Aram. Kaya muling namuhay nang may kapayapaan ang mga Israelita tulad ng dati.
6Pero hindi sila tumigil sa paggawa ng mga kasalanang ginawa ng pamilya ni Jeroboam, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita. Nanatiling nakatayo ang posteng imahen ng diyosang si Ashera sa Samaria.
7Walang natira sa mga sundalo ni Joahaz maliban sa limampung mangangabayo, sampung karwahe at sampung libong sundalo, dahil ang iba ay pinatay ng hari ng Aram, na parang alikabok na tinatapak-tapakan.
8Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Joahaz, at ang lahat ng kanyang ginawa at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
9Nang mamatay si Joahaz, inilibing siya sa Samaria, sa libingan ng kanyang mga angkan. At ang anak niyang si Jehoas ang pumalit sa kanya bilang hari.