2 Mga Hari 14

Amazias, totoong natalo mo ang Edom at ipinagyayabang mo ito ngayon. Ipagdiwang mo ang iyong pagkakapanalo, pero manatili ka na lang sa iyong bahay. Bakit mo pipiliin ang gulo na magdadala lang ng kapahamakan sa iyo at sa Juda?”

2 Kings 14:10 (UKJV) You have indeed smitten Edom, and yours heart has lifted you up: glory of this, and tarry at home: for why should you meddle to your hurt, that you should fall, even you, and Judah with you?

8Isang araw, nagsugo si Amazias ng mga mensahero kay Haring Jehoas ng Israel, na anak ni Joahaz at apo ni Jehu. Hinamon niya si Jehoas at sinabi, “Harapin mo ako sa labanan.”

9Ngunit sinagot siya ni Haring Jehoas sa pamamagitan ng kuwentong ito: “Doon sa Lebanon ay may halamang may tinik na nagpadala ng mensahe sa puno ng sedro: ‘Ipakasal mo ang iyong anak na babae sa aking anak na lalaki.’ Ngunit may dumaang hayop mula sa gubat at tinapak-tapakan ang halamang may tinik.

10Amazias, totoong natalo mo ang Edom at ipinagyayabang mo ito ngayon. Ipagdiwang mo ang iyong pagkakapanalo, pero manatili ka na lang sa iyong bahay. Bakit mo pipiliin ang gulo na magdadala lang ng kapahamakan sa iyo at sa Juda?”

11Subalit hindi nakinig si Amazias, kaya nilusob siya ni Haring Jehoas at ng mga sundalo nito. Naglaban sila sa Bet-semes na sakop ng Juda.

12Natalo ng Israel ang Juda, at ang bawat sundalo ng Juda ay tumakas pauwi sa kani-kanilang bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.